البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 61

﴿ﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶﯷﯸﯹﯺﯻ ﴾

﴿وَإِذْ قُلْتُمْ يَا مُوسَىٰ لَنْ نَصْبِرَ عَلَىٰ طَعَامٍ وَاحِدٍ فَادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُخْرِجْ لَنَا مِمَّا تُنْبِتُ الْأَرْضُ مِنْ بَقْلِهَا وَقِثَّائِهَا وَفُومِهَا وَعَدَسِهَا وَبَصَلِهَا ۖ قَالَ أَتَسْتَبْدِلُونَ الَّذِي هُوَ أَدْنَىٰ بِالَّذِي هُوَ خَيْرٌ ۚ اهْبِطُوا مِصْرًا فَإِنَّ لَكُمْ مَا سَأَلْتُمْ ۗ وَضُرِبَتْ عَلَيْهِمُ الذِّلَّةُ وَالْمَسْكَنَةُ وَبَاءُوا بِغَضَبٍ مِنَ اللَّهِ ۗ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانُوا يَكْفُرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَيَقْتُلُونَ النَّبِيِّينَ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۗ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوْا وَكَانُوا يَعْتَدُونَ﴾

Banggitin ninyo nang tumanggi kayong magpasalamat sa biyaya ng Panginoon ninyo at nagsawa kayo sa pagkain ng pinababa ni Allāh sa inyo na manna at pugo. Nagsabi kayo: "Hindi kami makatitiis sa iisang [pares ng] pagkaing hindi nagbabagu-bago.
" Kaya humiling kayo mula kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - na dumalangin siya kay Allāh na magpalabas para sa inyo ng tumutubo sa lupa gaya ng mga halaman nito, mga gulay nito, mga pipinong ehipsiyo nito (nakawawangis ng pipino subalit higit na malaki), mga butil nito, mga lentiha nito, at mga sibuyas nito, bilang pagkain.
" Kaya nagsabi si Moises - sumakanya ang pangangalaga - habang nagmamasama sa hiling ninyo na palitan ninyo ng hiniling ninyo, na higit na kaunti at higit na mababa, ang manna at ang pugo, na higit na mabuti at higit na marangal, gayong dumarating ito sa inyo nang walang hirap at pagod: "Bumaba kayo mula sa lupaing ito tungo sa alinmang pamayanan at makatatagpo kayo ng hinihingi ninyo sa mga taniman nito at mga palengke nito.
" Dahil sa pagsunod nila sa mga pithaya nila at pag-ayaw nilang paulit-ulit sa pinili ni Allāh para sa kanila, kumapit sa kanila ang kaabahan, ang karalitaan, at ang kasawiang-palad, at nanumbalik sila kalakip ng isang galit mula kay Allāh dahil sa pag-ayaw nila sa relihiyon Niya, kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda Niya, at pagpatay nila sa mga propeta Niya dala ng paglabag sa katarungan at pang-aaway. Lahat ng iyon ay dahilan sa sila ay sumuway kay Allāh, at sila noon ay lumalampas sa mga hangganan Niya.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: