النساء

تفسير سورة النساء آية رقم 141

﴿ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴﭵﭶ ﴾

﴿الَّذِينَ يَتَرَبَّصُونَ بِكُمْ فَإِنْ كَانَ لَكُمْ فَتْحٌ مِنَ اللَّهِ قَالُوا أَلَمْ نَكُنْ مَعَكُمْ وَإِنْ كَانَ لِلْكَافِرِينَ نَصِيبٌ قَالُوا أَلَمْ نَسْتَحْوِذْ عَلَيْكُمْ وَنَمْنَعْكُمْ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ ۚ فَاللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ وَلَنْ يَجْعَلَ اللَّهُ لِلْكَافِرِينَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ سَبِيلًا﴾

[Sila] ang mga naghihintay sa mangyayari sa inyo na kabutihan o kasamaan. Kaya kung nagkaroon kayo ng isang pagwawagi mula kay Allāh at nakasamsam kayo ay magsasabi sila sa inyo: "Hindi ba kami ay naging kasama sa inyo: nakasaksi kami sa nasaksihan ninyo?" [Ito ay] upang magtamo sila mula sa mga samsam ng digmaan.
Kung nagkaroon ang mga tagatangging sumampalataya ng isang bahagi ay magsasabi naman sila sa mga ito: "Hindi ba kami tumangkilik sa mga nauukol sa inyo, pumuspos sa inyo ng pagpuspos ng pangangalaga at pag-aadya, at nagtanggol sa inyo laban sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagtulong sa inyo at pagtatwa sa kanila?" Kaya si Allāh ay hahatol sa pagitan ninyo sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon para gumanti sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso at at gumanti sa mga mapagpaimbabaw sa pamamagitan ng pagpapasok sa pinakamababang palapag ng Apoy. Hindi gagawa si Allāh, dahil sa kabutihang-loob Niya, para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pangingibabaw sa mga mananampalataya, bagkus gagawa Siya ng magandang kahihinatnan para sa mga mananampalataya.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: