النساء

تفسير سورة النساء آية رقم 103

﴿ﮕﮖﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡﮢﮣﮤﮥﮦﮧﮨﮩﮪ ﴾

﴿فَإِذَا قَضَيْتُمُ الصَّلَاةَ فَاذْكُرُوا اللَّهَ قِيَامًا وَقُعُودًا وَعَلَىٰ جُنُوبِكُمْ ۚ فَإِذَا اطْمَأْنَنْتُمْ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ ۚ إِنَّ الصَّلَاةَ كَانَتْ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ كِتَابًا مَوْقُوتًا﴾

Kaya kapag nakatapos kayo, o mga mananampalataya, mula sa pagdarasal ay bumanggit kayo kay Allāh sa pamamagitan ng tasbīḥ (pagsabi ng subḥāna -llāh), taḥmīd (pagsabi ng alḥamdu li-llāh), at tahlīl (lā ilāha illa -llāh) sa lahat ng mga kalagayan: nakatayo, nakaupo, o [nakahiga] sa mga tagiliran ninyo. Kaya kapag naglaho sa inyo ang pangamba at natiwasay kayo ay magsagawa kayo ng pagdarasal nang lubusan kalakip ng mga saligan nito, mga kinakailangan dito, at mga itinuturing na kaibig-ibig dito ayon sa ipinag-utos sa inyo. Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang tungkuling nililimitahan ng oras, na hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito malibang dahil sa isang tanggap na kadahilanan. Ito ay sa sandali ng paninirahan. Sa sandali naman ng paglalakbay, ukol sa inyo ang pagsasama at ang pagpapaiksi.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: