النساء

تفسير سورة النساء آية رقم 35

﴿ﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔ ﴾

﴿وَإِنْ خِفْتُمْ شِقَاقَ بَيْنِهِمَا فَابْعَثُوا حَكَمًا مِنْ أَهْلِهِ وَحَكَمًا مِنْ أَهْلِهَا إِنْ يُرِيدَا إِصْلَاحًا يُوَفِّقِ اللَّهُ بَيْنَهُمَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرًا﴾

Kung nangamba kayo, o mga katangkilik ng mag-asawa, na umabot ang salungatan sa pagitan nilang dalawa sa pagkamuhi at pagtatalikuran, magpadala kayo ng isang lalaking makatarungan mula sa mag-anak ng lalaki at isang lalaking makatarungan mula sa mag-anak ng babae upang humatol ang dalawang ito ng anumang naroon ang kapakanan gaya ng pagpapahiwalay o pagpapatugma sa pagitan nilang dalawa. Ang pagpapatugma ay higit na kaibig-ibig at higit na karapat-dapat. Kaya kung nagnais nito ang dalawang tagahatol at tumahak ang dalawang ito sa istilong pinakaideyal, magpapatugma si Allāh sa mag-asawa at mag-aalis Siya ng salungatan sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga lingkod Niya. Siya ay Maalam sa mga kaliit-liitan ng ikinukubli nila sa mga puso nila.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: