فاطر

تفسير سورة فاطر آية رقم 32

﴿ﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱﭲﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹ ﴾

﴿ثُمَّ أَوْرَثْنَا الْكِتَابَ الَّذِينَ اصْطَفَيْنَا مِنْ عِبَادِنَا ۖ فَمِنْهُمْ ظَالِمٌ لِنَفْسِهِ وَمِنْهُمْ مُقْتَصِدٌ وَمِنْهُمْ سَابِقٌ بِالْخَيْرَاتِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَضْلُ الْكَبِيرُ﴾

Pagkatapos ay ibinigay Namin ang Qur'ān sa kalipunan ni Muḥammad - ang pagpapala at ang pangangalaga ay sumakanya - na pinili Namin higit sa mga kalipunan. Ngunit mayroon sa kanila na tagalabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa paggawa sa mga ipinagbabawal at pag-iwan sa mga tungkulin. Mayroon sa kanila na katamtaman dahil sa paggawa sa mga tungkulin at pag-iwan sa mga ipinagbabawal kalakip ng pag-iwan sa ilan sa mga kaibig-ibig at paggawa ng ilan sa mga kinasusuklaman. Mayroon sa kanila na nangunguna sa mga kabutihan ayon sa pahintulot ni Allāh at iyon ay dahil sa paggawa ng mga tungkulin at mga kaibig-ibig at pag-iwan sa mga ipinagbabawal at mga kinasusuklaman. Ang nabanggit na iyon - na pagpili sa kalipunang ito at pagbibigay rito ng Qur'ān - ay ang kabutihang-loob na malaki, na walang nakatutumbas dito na isang kabutihang-loob.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: