الأحزاب

تفسير سورة الأحزاب آية رقم 20

﴿ﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬﯭ ﴾

﴿يَحْسَبُونَ الْأَحْزَابَ لَمْ يَذْهَبُوا ۖ وَإِنْ يَأْتِ الْأَحْزَابُ يَوَدُّوا لَوْ أَنَّهُمْ بَادُونَ فِي الْأَعْرَابِ يَسْأَلُونَ عَنْ أَنْبَائِكُمْ ۖ وَلَوْ كَانُوا فِيكُمْ مَا قَاتَلُوا إِلَّا قَلِيلًا﴾

Nagpapalagay ang mga duwag na ito na ang mga lapiang nagpapangkat para sa pakikipaglaban sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at pakikipaglaban sa mga mananampalataya ay hindi aalis hanggang sa mapuksa nila ang mga mananampalataya.
Kung naitakda na dumating ang mga lapian sa isa pang pagkakataon ay pakaiibigin ng mga mapagpaimbabaw na ito na sila ay mga nakalabas sa Madīnah kasama ng mga Arabeng disyerto, na nagtatanong tungkol sa mga ulat tungkol sa inyo: kung ano ang nangyari sa inyo matapos ng pakikipaglaban ng kaaway ninyo sa inyo? Kung sakaling nangyaring sila ay nasa inyo, O mga mananampalataya, hindi sila makikipaglaban kasama sa inyo maliban sa kakaunti kaya huwag kayong pumansin sa kanila at huwag kayong magdalamhati para sa kanila.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: