الحج

تفسير سورة الحج آية رقم 36

﴿ﮦﮧﮨﮩﮪﮫﮬﮭﮮﮯﮰﮱﯓﯔﯕﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤ ﴾

﴿وَالْبُدْنَ جَعَلْنَاهَا لَكُمْ مِنْ شَعَائِرِ اللَّهِ لَكُمْ فِيهَا خَيْرٌ ۖ فَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهَا صَوَافَّ ۖ فَإِذَا وَجَبَتْ جُنُوبُهَا فَكُلُوا مِنْهَا وَأَطْعِمُوا الْقَانِعَ وَالْمُعْتَرَّ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرْنَاهَا لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ﴾

Ang mga kamelyo at ang mga baka na inaalay doon sa Bahay [ni Allāh] ay ginawa ang mga ito para sa inyo na mga sagisag ng Relihiyon at mga tanda nito. Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na pangrelihiyon at pangmundo. Kaya magsabi kayo ng Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh) sa pagkakatay ninyo sa mga ito matapos na paghanayin ang mga paa ng mga ito. Ito ay paa na iginapos sa isa sa mga kamay ng hayop upang hindi gumala-gala ito. Kapag bumagsak ito sa tagiliran nito matapos ng pagkatay ay kumain kayo, O mga tagapag-alay, mula rito at magbigay kayo mula rito sa maralitang nagpipigil sa panghihingi at maralitang humaharang upang bigyan mula rito.
Kung paanong pinagsilbi ang mga ito para sa inyo upang magpapasan kayo sa mga ito at sumakay kayo sa mga ito, pinagsilbi rin ang mga ito para sa inyo para magpaakay sa kung saan ninyo kakatayin ang mga ito bilang pagpapakalapit kay Allāh nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa biyaya ng pagpapasilbi sa mga ito para sa inyo.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: