الحج

تفسير سورة الحج آية رقم 30

﴿ﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰ ﴾

﴿ذَٰلِكَ وَمَنْ يُعَظِّمْ حُرُمَاتِ اللَّهِ فَهُوَ خَيْرٌ لَهُ عِنْدَ رَبِّهِ ۗ وَأُحِلَّتْ لَكُمُ الْأَنْعَامُ إِلَّا مَا يُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ ۖ فَاجْتَنِبُوا الرِّجْسَ مِنَ الْأَوْثَانِ وَاجْتَنِبُوا قَوْلَ الزُّورِ﴾

Yaong ipinag-utos sa inyo na pagkalas sa pamamagitan ng pag-ahit ng ulo, pagputol sa mga kuko, pag-aalis ng mga dumi, pagtupad sa panata, at pagligid sa Bahay ay ang inobliga ni Allāh sa inyo, kaya igalang ninyo ang inobliga ni Allāh sa inyo.
Ang sinumang umiwas sa ipinag-utos ni Allāh na iwasan niya sa sandali ng iḥrām niya bilang paggalang mula sa kanya sa mga hangganan ni Allāh laban sa paglampas sa mga ito at sa mga pinakababanal Niya laban sa paglapastangan sa mga ito, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay sa ganang Panginoon niya - kaluwalhatian sa Kanya. Ipinahintulot para sa inyo, O mga tao, ang mga hayupan gaya ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa sapagkat hindi Siya nagbawal sa inyo mula sa mga ito gaya ng ḥāmī ni baḥīrah ni waṣīlah. Hindi Siya nagbawal mula sa mga ito maliban sa natatagpuan ninyo sa Qur'ān na pagbabawal sa patay [na hindi kinatay], dugo, at iba pa sa mga ito. Lumayo kayo sa karumihan na mga diyus-diyusan at lumayo kayo sa bawat salitang bulaan na pagsisinungaling laban kay Allāh o laban sa nilikha Niya.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: