البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 221

﴿ﭲﭳﭴﭵﭶﭷﭸﭹﭺﭻﭼﭽﭾﭿﮀﮁﮂﮃﮄﮅﮆﮇﮈﮉﮊﮋﮌﮍﮎﮏﮐﮑﮒﮓﮔﮕﮖﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞ ﴾

﴿وَلَا تَنْكِحُوا الْمُشْرِكَاتِ حَتَّىٰ يُؤْمِنَّ ۚ وَلَأَمَةٌ مُؤْمِنَةٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكَةٍ وَلَوْ أَعْجَبَتْكُمْ ۗ وَلَا تُنْكِحُوا الْمُشْرِكِينَ حَتَّىٰ يُؤْمِنُوا ۚ وَلَعَبْدٌ مُؤْمِنٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكٍ وَلَوْ أَعْجَبَكُمْ ۗ أُولَٰئِكَ يَدْعُونَ إِلَى النَّارِ ۖ وَاللَّهُ يَدْعُو إِلَى الْجَنَّةِ وَالْمَغْفِرَةِ بِإِذْنِهِ ۖ وَيُبَيِّنُ آيَاتِهِ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ﴾

Huwag kayong magpakasal, o mga mananampalataya, sa mga babaing tagatambal kay Allāh hanggang sa sumampalataya sila kay Allāh - tanging sa Kanya - at pumasok sa Relihiyong Islām. Tunay na ang isang babaing aliping mananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay higit na mainam kaysa sa isang malayang babaing sumasamba sa mga diyus-diyusan kahit pa man nagpahanga ito sa inyo dahil sa kagandahan nito at yaman nito. Huwag ninyong ipakasal ang mga babaing Muslim sa mga lalaking tagatambal [kay Allāh]. Talagang ang isang lalaking aliping mananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay higit na mainam kaysa sa isang malayang lalaking tagatambal [kay Allāh] kahit pa man nagpahanga ito sa inyo.
Ang mga nailarawang ito sa pagtatambal - mga lalaki man at mga babae - ay nag-aanyaya sa pamamagitan ng mga sinasabi nila at mga ginagawa nila tungo sa nag-aakay sa pagpasok sa Apoy samantalang si Allāh ay nag-aanyaya tungo sa mga gawang maayos na nag-aakay tungo sa pagpasok sa Paraiso at kapatawaran sa mga pagkakasala ayon sa pahintulot Niya at kabutihang-loob Niya. Naglilinaw Siya sa mga tao ng mga tanda Niya nang sa gayon sila ay mapangangaralan sa ipinahiwatig nito at magsasagawa nito.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: