البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 220

﴿ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰ ﴾

﴿فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۗ وَيَسْأَلُونَكَ عَنِ الْيَتَامَىٰ ۖ قُلْ إِصْلَاحٌ لَهُمْ خَيْرٌ ۖ وَإِنْ تُخَالِطُوهُمْ فَإِخْوَانُكُمْ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ الْمُفْسِدَ مِنَ الْمُصْلِحِ ۚ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَأَعْنَتَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٌ﴾

Nagsabatas Siya niyon upang mag-isip-isip kayo hinggil sa nagpapakinabang sa inyo sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, o Propeta, tungkol sa pagsasagawa ng pagtangkilik sa mga ulila: kung papaano ang gagawin nila sa pakikitungo sa mga ito.
Ihahalo ba nila ang mga ari-arian nila sa mga ito sa paggugol, pagpapakain, at pagpapabahay? Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang pagmamabuting-loob ninyo sa kanila sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga ari-arian nila nang walang kapalit o paghahalo sa mga ari-arian nila ay higit na mabuti para sa inyo sa ganang kay Allāh at higit na mabigat sa gantimpala. Ito ay higit na mabuti para sa kanila sa mga ari-arian nila dahil sa dulot nito na pangangalaga sa mga ari-arian nila para sa kanila. Kung makikilahok kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagsasama ng ari-arian nila sa ari-arian ninyo sa kabuhayan, tirahan, at tulad niyon, walang pagkaasiwa roon sapagkat sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon. Ang magkakapatid ay tumutulong sa isa't isa sa kanila at nagtataguyod sa mga kapakanan ng isa't isa isa kanila. Si Allāh ay nakaaalam sa [kaibahan ng] sinumang nagnanais ng pagtitiwali kabilang sa mga tagatangkilik sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga ulila sa mga ari-arian nila kaysa sa sinumang nagnanais ng pagpapabuti.
Kung sakaling niloob ni Allāh na magpahirap sa inyo kaugnay sa nauukol sa mga ulila, talaga sanang nagpahirap Siya sa inyo, subalit Siya - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - ay nagpadali para sa inyo ng paraan ng pakikitungo sa kanila dahil ang Batas Niya ay nakabatay sa kadalian. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadadaig sa Kanya na anuman, Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: