البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 186

﴿ﯨﯩﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶﯷﯸﯹﯺ ﴾

﴿وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِي عَنِّي فَإِنِّي قَرِيبٌ ۖ أُجِيبُ دَعْوَةَ الدَّاعِ إِذَا دَعَانِ ۖ فَلْيَسْتَجِيبُوا لِي وَلْيُؤْمِنُوا بِي لَعَلَّهُمْ يَرْشُدُونَ﴾

Kapag nagtanong sa iyo, o Propeta, ang mga lingkod Ko tungkol sa lapit Ko at pagsagot Ko sa panalangin nila, tunay na Ako ay malapit sa kanila, na nakaaalam sa mga kalagayan nila, na nakaririnig sa panalangin nila, kaya hindi sila mangangailangan ng mga tagapagpagitna ni ng pagtataas ng mga tinig nila. Tumutugon Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin na nagpapakawagas sa panalangin niya.
Kaya magpaakay sila sa Akin at sa mga utos Ko at magpakatatag sila sa pananampalataya nila sapagkat tunay na iyon ay ang pinakakapaki-pakinabang na paraan para sa pagsagot Ko nang sa gayon sila ay tatahak sa pamamagitan niyon sa landas ng katinuan sa mga kapakanan nilang panrelihiyon at pangmundo.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: