يوسف

تفسير سورة يوسف آية رقم 110

﴿ﯖﯗﯘﯙﯚﯛﯜﯝﯞﯟﯠﯡﯢﯣﯤﯥﯦﯧﯨﯩ ﴾

﴿حَتَّىٰ إِذَا اسْتَيْأَسَ الرُّسُلُ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ قَدْ كُذِبُوا جَاءَهُمْ نَصْرُنَا فَنُجِّيَ مَنْ نَشَاءُ ۖ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُنَا عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ﴾

Ang mga sugong ito na isinusugo Namin ay nagpalugit Kami sa mga kaaway ng mga ito at hindi Kami nagmamadali sa kanila sa pagpaparusa bilang pagpapain sa kanila hanggang sa, nang naantala ang pagpapahamak sa kanila at nawalan ng pag-asa ang mga sugo sa pagkapahamak sa kanila at nag-akala ang mga tagatangging sumampalataya na ang mga sugo nila ay nagsinungaling sa kanila sa ipinangako ng mga ito sa kanila na kaparusahan para sa mga tagapagpasinungaling at pagliligtas sa mga mananampalataya, dumating naman ang pag-aadya Namin para sa mga sugo Namin. Nailigtas ang mga sugo at ang mga mananampalataya mula sa pagkahamak na magaganap sa mga tagapagpasinungaling. Hindi mapipigil ang pagpaparusa Namin sa mga taong salarin kapag magbababa Kami nito sa kanila.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: