البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 145

﴿ﯥﯦﯧﯨﯩﯪﯫﯬﯭﯮﯯﯰﯱﯲﯳﯴﯵﯶﯷﯸﯹﯺﯻﯼﯽﯾﯿﰀﰁﰂﰃﰄﰅﰆﰇ ﴾

﴿وَلَئِنْ أَتَيْتَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ بِكُلِّ آيَةٍ مَا تَبِعُوا قِبْلَتَكَ ۚ وَمَا أَنْتَ بِتَابِعٍ قِبْلَتَهُمْ ۚ وَمَا بَعْضُهُمْ بِتَابِعٍ قِبْلَةَ بَعْضٍ ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ ۙ إِنَّكَ إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ﴾

Sumpa man kay Allāh, talagang kung dumating ka, o Propeta, sa mga binigyan ng Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, na nasasamahan ng bawat tanda at patotoo na ang paglipat ng qiblah ay katotohanan, hindi sila haharap sa qiblah mo dala ng pagmamatigas sa dinala mo at pagmamalaki laban sa pagsunod sa katotohanan. Ikaw ay hindi haharap sa qiblah nila matapos na ibinaling ka ni Allāh palayo roon, at ang iba sa kanila ay hindi haharap sa qiblah ng iba sa kanila dahil ang bawat isa sa kanila ay nagpaparatang ng kawalang-pananampalataya sa ibang pangkat.
Talagang kung sinunod mo ang mga pithaya ng mga ito hinggil sa pumapatungkol sa qiblah at iba pa rito na mga batas at mga patakaran matapos na may dumating sa iyo mula sa kaalamang tumpak na walang pag-aalangan hinggil doon, tunay na ikaw sa sandaling iyon ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa pag-iwan sa patnubay at pagsunod sa pithaya.
Ang pakikipag-usap na ito ay para sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - dahil sa pahiwatig sa karumalan ng pagsunod sa kanila, gayon pa man tunay na si Allāh ay nagsanggalang sa Propeta Niya laban doon kaya ito ay pagbibigay-babala para sa Kalipunan niya matapos niya.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: