البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 115

﴿ﮔﮕﮖﮗﮘﮙﮚﮛﮜﮝﮞﮟﮠﮡ ﴾

﴿وَلِلَّهِ الْمَشْرِقُ وَالْمَغْرِبُ ۚ فَأَيْنَمَا تُوَلُّوا فَثَمَّ وَجْهُ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ وَاسِعٌ عَلِيمٌ﴾

Kay Allāh ang pagmamay-ari ng silangan, ng kanluran, at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito. Nag-uutos Siya sa mga lingkod Niya ng anumang niloob Niya.
Kaya saanman kayo bumabaling, tunay na kayo ay humaharap kay Allāh - pagkataas-taas Siya - sapagkat tunay na ang lagay ninyo sa pagharap sa Jerusalem o Ka`bah o kung nagkamali kayo sa qiblah o humirap sa inyo ang pagharap doon ay walang masama para sa inyo dahil ang mga dako sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh - pagkataas-taas Siya. Tunay na si Allāh ay Malawak na nakasasakop sa nilikha Niya sa awa Niya at pagpapadali Niya sa kanila, Maalam sa mga layunin nila at mga gawain nila.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: