البقرة

تفسير سورة البقرة آية رقم 113

﴿ﭑﭒﭓﭔﭕﭖﭗﭘﭙﭚﭛﭜﭝﭞﭟﭠﭡﭢﭣﭤﭥﭦﭧﭨﭩﭪﭫﭬﭭﭮﭯﭰﭱ ﴾

﴿وَقَالَتِ الْيَهُودُ لَيْسَتِ النَّصَارَىٰ عَلَىٰ شَيْءٍ وَقَالَتِ النَّصَارَىٰ لَيْسَتِ الْيَهُودُ عَلَىٰ شَيْءٍ وَهُمْ يَتْلُونَ الْكِتَابَ ۗ كَذَٰلِكَ قَالَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ مِثْلَ قَوْلِهِمْ ۚ فَاللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ﴾

Nagsabi ang mga Hudyo: "Ang mga Kristiyano ay hindi nakabatay sa tumpak na relihiyon," at nagsabi ang mga Kristiyano: "Ang mga Hudyo ay hindi nakabatay sa tumpak na relihiyon.
" Sila ay kapwa naman nagbabasa ng mga kasulatan na pinababa ni Allāh sa kanila at ng anumang nasaad sa mga ito na utos ng pagsampalataya sa lahat ng mga propeta nang walang pagtatangi-tangi, na mga nakawawangis sa gawain nilang ito sa sabi ng mga hindi nakaaalam kabilang sa mga tagatambal, nang nagpasinungaling ang mga ito sa mga sugo sa kalahatan ng mga iyon at sa pinababa sa mga iyon na mga kasulatan.
Kaya dahil dito, hahatol si Allāh sa pagitan ng mga nagkakasalungatan sa kalahatan sa Araw ng Pagbangon ayon sa kahatulan Niyang makatarungan, na ipinabatid Niya sa mga lingkod Niya: na walang pagtamo malibang sa pamamagitan ng pagsampalataya sa lahat ng pinababa ni Allāh - pagkataas-taas Siya.

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

الترجمات والتفاسير لهذه الآية: